Sa krus na landas
Tulad ng isang traysikel, kailangan ng gasolina upang tumakbo. Ang buhay ay ganyan pipiliting uusad at tiyak na makakawala ka sa lunod ng sakit at hirap. Kaya dapat lumaban, magmadali, tulinan ang takbo sapagkat sa dako pa roon.. sa dulo ng landas, naroon ang liwanag. Iyan ay isang paghamon sa buhay.

Ako ay isang estudyante at sa isang pribadong paaralan nagaaral, nagsisikap upang makapagtapos at nang matulungan ang pamilya. Bilang isang batang binusog sa pagmamahal at pag aalaga ng mga magulang sa pagsasaka, napag-isip ko ang hirap na pinagdadaraanan nila, makatuntong lamang ako ng kolehiyo. Tama nga, sa pagkakataong ito'y kailangan ang tatag at tibay ng loob.
Sa mundo ng katotohanan, kailangan ng sikap at tiyaga sa pagtahak sa landas ng buhay at pangarap na dumating ang araw na maging maayos rin ang lahat. Mabigat ang mga paang pilit kong hinahakbang tungo sa labasan ng eskwelahan, naghihintay ng masasakyang traysikel sa daang Quezon Boulevard. Nagmamadali. Dumukot ako ng sampung piso sa aking sira't mabahong pitaka at binayad kay manong drayber. Sinuklian nya lamang ako ng apat na piso. Kulang, dapat limang piso yun. Alam ko na karapatan kong magbayad ng mas mababa kaysa sa rgular na pamasahe bilang isang etudyanteng walang sariling pinagkakakitaan. Ngunit hindi ko sila masisisi sapagkat tulad ng aking ama na pumapasada sa kanyang habal-habal araw-araw ay idinidiin rin ang mas mataaas na pamasahe dahil sa lumulubong presyo ng gasolina.
Gabi na. Nagsisimula nang dumilat- pumikit ang may iba't- ibang kulay na liwanag sa plaza. Bumaba ako sa PROBANK malapit sa SM na kamakailan lamang ay binomba ng mga di kilalang suspek. Pakay ko dun ang maginquire at baka may nagpadala ng pera para sa duty ko sa Cotabato. Kelangan ko kasi ng apat na libo. Sa kasamaang palad, wala. Tumuloy ako sa paglalakad patungong sakayan dun sa terminal kina pao-pao, nang tumambad sa akin malapit sa footluckers ang isang lalaking nakahiga, nakasigarilyo, nakamedyas, gulanit ang kasuotan at parang ilang taon na ring hindi naliligo. Naitanong ko tuloy, Hanggang kailan kaya siya sa lugar na ito at umaasa sa mga baryang natatanggap mula sa mga taong dumadaan? Isang kalokohan kung iisipin wala nang bukas mula sa karimlan ng pagkasiphayo na abot- tanaw sa lahat ng dako.
Kumakalam na ang aking sikmura dala marahil ng gutom. Sino nga ba ang nagsabing madali lalo na kung hinahabol mo ang deadline ng iyong project. Nakatitig ka pa rin sa mga materyales ngunit di mo pa rin matatapos. Tanghali na at di ka pa rin nakakaalis sa iyong inuupuan. Hanggang sa lumubog na ang araw matapos lamang. Hindi nga madaling maging estudyante. Bumili ako ng tatlong pisong tinapay sa Manolette. Habang kinukuha ng tindera ang aking inorder, napatingin ako sa isang matandang babae, wari nakapikit ang mga mata dahil siguro sa katandaan, may lata malapit sa kanyang mga paa, may kunting barya. Kasama nya ang isang batang lalake marahil apo nya. Mga sampung taong gulang at marungis. Ganun ko na lamang naisip kung gaano ako kaswerte. Nasaan kaya ang mga magulang ng batang iyon? May kinabukasan pa kaya siya?
Mahalaga ang determinasyon sa sarili. Muling nagbalik sa aking isipan ang larawan ng lalaking nakahiga, matandang babaeng nanglilimos at ang batang madungis.
Salamat na lamang at hindi pa huli ang lahat. Habang hinahakbang ko ang aking mga paa, huwag sana ako maligaw, matalunton ko sa sana ang tunay na hakbang nito. At huwag ko sanang sapitin ang karupukan. Sa paglalakbay sa liku- likong daan, di kabisado ang bawat yapak subalit sa'n man dalhin dapat bumangon pa rin.