<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/29149472?origin\x3dhttp://pulsecircle2.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
;
WELCOME TO PULSE CIRCLE: [the.pulse_circle] version 2.1. , The official blog site of Richard V. Diongson... Don't hesitate to leave a comment. This is for the many brain cells that had to endure incessant torture. This blog is best viewed using Mozilla Firefox. Tune in, relax and unwind from all your works and be entertained! With no limits and no bounds! So fasten your seat belts, scroll down the following pages and don't miss the call! If this will not satisfy you, just check your operator services. One dose of this blog will worth the time the author spend on it!Enjoy!
Posted Thursday, June 02, 2005

TERORISMO
by Narz Palma Sitoy



Ang mga tauhan at pangyayari na nakasaad sa kuwentong ito ay pawang likhang-isip lamang at hindi ibinatay sa tunay na buhay. Ano mang pagkakatulad ay hindi sinasadya ng may akda.

Unang labas



Isang madugong tanawin ang nadatnan ni Narz sa isang dako na sinabugan ng bomba. Kitang-kita ng dalawang mata niya ang lagim na dulot nito na nagpapanginig ng kanyang mga kamay at paa.


And bombang sumabog ay sadyang napakatindi dahil ito’y nagresulta sa pagkakitil ng buhay ng maraming tao. Umuusok pa nga at umaapoy ang ibang mga sasakyan na naroroon dahil sa tindi ng pagsabog.


Nagmimistulang higit pa sa slaughterhouse ang kinahihinatnan ng dakong pinasabugan ng malakas na bomba dahil wala nang ibang makikita kundi mga nagkakalat na mga patay na tao lamang at mga sira-sira, umuusok, at nag-aapoy na mga sasakyan.


Wala man lang natira ni isang tao sa dakong pinangyarihan ng trahedya. Lahat ay namamatay! Karamihan sa mga biktima ay basag ang mga bungo at nagkahiwa-hiwalay ang mga katawan. Ang lupa ay pinapula ng napakaraming dugo na umaagos mula sa katawan ng mga biktima. Ang mga utak, bituka, at iba pang lamang-loob ng tao ay nagkawatak-watak kung saan. May nandirikit pa sa mga sasakyan at maging sa pader.


Magkahalong lungkot at takot ang nadarama ni Narz. Naninindig ang kanyang mga balahibo, lalo pa’t nasa gitna siya ng mga nagkakalat na patay na tao. Pakiramdam niya’y parang hilain ng mga bangkay ang mga kamay at paa niya!


Pinaikot niya ang kanyang mga mata sa buong paligid ng nasabugan. Wala talaga siyang nakita ni isang buhay na tao man lamang. Puro patay lahat ang nakikita niya. Maging ang mga taong nasa loob ng mga sasakyan ay puro patay din! Mga pulis at rescue team lamang ang nakikita niyang buhay na abala sa pagtitipon at pagbabalot ng kumot sa mga biktima sa unahang bahagi ng nasabugan. May iilang taga medya rin ang nandoon.


Habang nanginginig ang mga kamay at paa ay marahan siyang humakbang. Hindi niya alintana ang mga utak, bituka, at iba pang lamang-loob ng tao na nagkalat sa lupa na maapakan niya. Maging ang mga dugong umaagos sa lupa na halos basain na ang buong paa niya ay hindi rin alintana. Nais niyang pumunta doon sa kinaroroonan ng mga pulis, rescue team, at mga taga media.


Ilang hakbang pa bago niya marating ang kinaroroonan ng mga pulis, rescue team, at mga taga medya ay napatigil siya. Isang bangkay na binalot ng maitim na kumot ang kanyang nakikita na pinagbubuhat ng mga rescue team. Naramdaman na lamang niya na parang higupin siya ng bangkay!

Abangan ang susunod na labas...

Ikalawang Labas



Ilang hakbang pa bago niya marating ang kinaroroonan ng mga pulis, rescue team, at mga taga medya ay napatigil siya. Isang bangkay na binalot ng maitim na kumot ang kanyang nakikita na pinagbubuhat ng mga rescue team. Naramdaman na lamang niya na parang higupin siya ng bangkay!

Ang bangkay ay ipinatong ng mga rescue team sa isang malapad na mesa at inimbestigahan.
Laking gulat na lamang ng mga pulis, rescue team at ng mga taga medya nang makita siyang pumaroon. Agad na sinalubong siya ng isang pulis at ng mga photographer at agad na kinunan siya ng picture.

“Idol, kumusta? Napapunta ka yata dito sa pook na pinangyarihan ng pagsabog? Hindi ka ba natatakot sa mga patay?” tanong ng pulis habang kinakamusta siya.

“Hindi ako natatakot sa mga patay sir. Ang labis kong kinakakatakutan ay ‘yong mga taong buhay na papatay sa atin,” matatag niyang sagot na malumanay ang boses. May isang putol na kamay pa na nasa paanan niya.

Pagkatapos magsalita ay tuluy-tuloy siya sa paghakbang hanggang sa may mesa na kung saan ipinatong ang bangkay na binalot ng maitim na kumot. Nakasunod sa kanya ang nakausap na pulis at ang mga photographer.

“Malakas ang kutob ko na terorismo ang nasa likod ng pambobomba sa pook na ito. Daan-daang mga sibilyan ang namamatay,” malungkot na wika ng pulis habang pinagmasdan ang nakabalot na bangkay.

Napaiyak siya sa sobrang lungkot sa nasaksihang resulta ng pagsabog at nais na niyang pabuksan ang nakabalot na bangkay. Hindi napigilang naramdaman niya ang matinding kaba sa dibdib. Pakiramdam niya parang humihinga pa ang bangkay.

“Sir, puwede ko bang makita kung anong hitsura nitong bangkay na binalot n’yo ng kumot? Baka naman kilala ko ito,” hiling niya sa mga pulis at rescue team habang humihikbi.

Sinunod naman ng mga ito ang kanyang hiling. Nang binuksan ng isang pulis ang nakabalot na bangkay ay bigla na lamang nanlaki ang mga mata niya. Kilala nga niya ang bangakay, kilalang-kilala. Si Joven!


Walang ano mang bahagi sa kuwentong ito ang maaring sipiin o sa ano mang paraan kung walang pahintulot sa may-akda at sa tagapaglathala.

Abangan ang susunod pang mga labas


Always contact the author...


5:14 PM

|

---++---

Comments: Post a Comment

++::What is Pulse Circle?::++

Pulse Circle is the official web journal of Richard V. Diongson since May 2005. Don't hesitate to leave a comment. This is for the many brain cells that had to endure incessant torture. This blog is best viewed using Mozilla Firefox. Tune in, relax and unwind from all your works and be entertained! With no limits and no bounds! So fasten your seat belts, scroll down the following pages and don't miss the call! If this will not satisfy you, just check your operator services. One dose of this blog will worth the time the author spend on it! Enjoy! "



++::Who's behind Pulse Circle?::++

Behind a typical average guy who has a typical average looks, easy rider, escape artist, junkie monkey and a home soul is a Richard Vallega Diongson, born under the twin sign (May 21, 1988), 19 years old and a Fourth year Bachelor of Science in Nursing student of the Paramedical Dept of Colegio de Kidapawan formerly North Cotabato Institute of Technology Inc. He is not likely to be considered very sociable but he is always willing to extend help in the community. He's doing fine in class. He loves blogging (he loves to blog and goes to Net Web with no particular thing in mind to blog about) and photography. He blogs depending on the availability of his schedule. Moreover, he loves to play dart. He's five feet and 5 inches tall, of medium built, black-haired, plain and ordinary.

He's hardworking and determined because he wants to accomplish his many aspirations in life. He's handling his course very challenging and in fact experiencing difficulties but he still handling it quite well. Email/ friendster- richard.diongson@gmail.com.

The guy has a life!


++::Archives::++

May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 April 2006 May 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 March 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007

-----------------------+++-----------------------


++::Shout Box::++

-----------------------+++-----------------------


++::Blog Roll::++